lahat tayo eh me mga misyon sa buhay.
meron tayong mga pangarap na nais nating maabot.
meron din tayong mga minamahal na gusto nating makasama hanggang sa pagtanda.
pero paano pag di na pwede? paano pag di na posible?
nalungkot ako bigla ng nakatanggap ako ng text kaninang umaga.
para sayo to, joshua.
****
sa mura nating mga edad noon, mahilig ka talagang mang alaska.
ang taba mo kaya, ang laki laki mo, para kang bonjing.
napakabully mo, yung ibang boys, sinusuntok mo.
nung medjo nagkaisip na tayo, makulit ka pa rin, bully ka pa din.
meron ding pagkakataon na nagka crush ako sayo.
alam kong pabiro kung hawakan mo pwet ko, pero nakikiliti pa rin ako.
instik ka. singkit pero napaka itim mo.
coco crunch yung tawag ko sayo.
yung kuko mo kasi, kuko ng intsik, yung tipong maliliit na sobrang lapad.
pagnaririnig mo ko, bulyaw ang inaabot ko.
simula ng nagkaiba ang schools natin pagdating ng highschool, na miss kita bigla.
pero simula ng naghighschool tayo, di ka nakalimot.
pag malapit na yung pasko, isa-isa mo kaming sinusundo,
parang naging big bro ka naming lahat.
dadalhin mo kami sa mga resorts, sa mga kainan, sa mga restaurants.
syempre, may sasakyan ka na, ikaw palagi yung taya.
umorder ako ng crispy pata nun, ikaw pa rin nagbayad.
dun ko na realize na nagbabago din pala ang tao.
sobrang bully ka noon, pero ang cool mo na ngayon.
binigyan mo pa ako ng vip card sa bar niyo.
mahirap tanggapin na wala ng taga-libre, wala ng taga hatid-sundo pag outings.
nakakalungkot talaga dahil iniwan mo na kami.
nalulungkot ako dahil alam ko na gaya ko, marami ka ding pangarap.
marami pa ang mga ''sana'' na pwedeng nangyari sa yo.
pero alam kong payapa ka na ngayon.
kasama mo na ang lumikha sa atin.
kaya siguro see you at the crossroads na lang joshie.
****
bigla akong napaisip.
bigla kong narealize na di talaga natin hawak ang bukas.
kaya let's just make the most out of every mornings that we have.
apologize to those who we have or have had hurt.
say thank you sa mga taong nagmamahal sa atin.
and say ilove you o i love you too sa mga taong importante sa atin.
naisip ko din na mahirap din pala sa magulang na mawalan ng anak.
dahil kadalasan dapat tayong mga anak ang maghahatid sa kanila sa kanilang huling hantungan and not otherwise.
****
si joshua, 20 years old.
nakuryente sya sa elevator, hinawakan niya yung wire na nakasabit at nakuryente 300 volts.
condolence kay joshua
ReplyDelete=(
ReplyDeletekawawa naman si joshua.ingat po tayo lage.Sakit.info
ReplyDelete