Tuesday, November 30, 2010

PAPA'S BOY




natatandaan mo pa ba noong elementary ako, everytime na nakakakuha ako ng star mula sa teacher ko eh pinapakita ko agad sayo? kapalit nito ay ang malulutong at bagong-bago na 20 peso bills na tinatago ko naman agad sa aking wallet.

pag mabait ako, pag parati kitang sinasalubong pagdating mo galing work, pag pinaghanda kita ng lunch sa mesa, tuwang-tuwa ka na nun at bibigyan mo na naman ako ulit ng pera.

pag nananalo ka sa sabong, instant extra na rin sa allowance, minsan doble yung natatanggap ko.

minsan nahihiya na rin ako dahil sobra sobra na rin yung natatanggap ko pero okay lang, masaya naman pag daming pera. okay fine, mukahang pera ako.hehe

paglasing ka noon, alam mo bang ginagawa ko? kinukuha ko yung cellphone mo at nagpapasaload ako. haha. di mo man lang nahahahalata.

marami akong nagawang di magaganda pag sapit ng college days ko. alam mo bang pag 9pm at tulog ka na, umaalis ako ng bahay at tatambay with friends? uuwi na ko pag 3am na?

naging suwail, naglayas, naubos ang alahas sa kaka sanla para me pang extra sa gimmik, at lahat na ata ng pagrerebelde nagawa ko na. pero isang sorry lang, lalambot na yung puso mo.

kahit gano talaga kasama ugali ko, tinatanggap mo ko. homophobic ka pa nga, pero nung mag confess ako sayo, naiyak ka nalang at sinabing tanggap mo ako.

nitong birthday ko, salamat sa handa na pinadala mo, salamat din sa pera. anu ba?pera na naman...hmmm..:))


ngayong magtratrabaho na ko, mag-iipon ako, dahil matanda ka na, years soon, alam ko, ikaw naman yung bibigyan ko ng malulutong na bills. and sa pagdating ng araw, from peso to dollars na.

at di ko man madalas sabihin sayo,sasabihin ko nalang dito, akward kasi eh..

papa, i  love love love you. malaki na ako at bakla pa, pero papa's boy pa din ako, kahit bente na.:))

5 comments:

  1. hmmnn buti ka pa papa's boy. ako mama's boy eh.

    ReplyDelete
  2. salamat sa comment, hehe. hindi ako makadalaw madalas kasi nag ca-crash browser ko sa opis sa mga ganitong layout ng blog kaya post shift lang makabisita. (sori naman)

    naalala ko yang bigay ng pera kapag okey ang grades sa skul.

    no one could question a father's love i guess. :)

    ReplyDelete
  3. Awww, sana maging close na kami ulit ng Tatay ko.

    ReplyDelete