Wednesday, December 1, 2010

paalam joshua

lahat tayo eh me mga misyon sa buhay.
meron tayong mga pangarap na nais nating maabot.
meron din tayong mga minamahal na gusto nating makasama hanggang sa pagtanda.
pero paano pag di na pwede? paano pag di na posible?

nalungkot ako bigla ng nakatanggap ako ng text kaninang umaga.

para sayo to, joshua.


****


sa mura nating mga edad noon, mahilig ka talagang mang alaska.
ang taba mo kaya, ang laki laki mo, para kang bonjing.
napakabully mo, yung ibang boys, sinusuntok mo.
nung medjo nagkaisip na tayo, makulit ka pa rin, bully ka pa din.
meron ding pagkakataon na nagka crush ako sayo.
alam kong pabiro kung hawakan mo pwet ko, pero nakikiliti pa rin ako.

instik ka. singkit pero napaka itim mo.
coco crunch yung tawag ko sayo.
yung kuko mo kasi, kuko ng intsik, yung tipong maliliit na sobrang lapad.
pagnaririnig mo ko, bulyaw ang inaabot ko.

simula ng nagkaiba ang schools natin pagdating ng highschool, na miss kita bigla.
pero simula ng naghighschool tayo, di ka nakalimot.
pag malapit na yung pasko, isa-isa mo kaming sinusundo,
parang naging big bro ka naming lahat.
dadalhin mo kami sa mga resorts, sa mga kainan, sa mga restaurants.
syempre, may sasakyan ka na, ikaw palagi yung taya.
umorder ako ng crispy pata nun, ikaw pa rin nagbayad.


dun ko na realize na nagbabago din pala ang tao.
sobrang bully ka noon, pero ang cool mo na ngayon.
binigyan mo pa ako ng vip card sa bar niyo.


mahirap tanggapin na wala ng taga-libre, wala ng taga hatid-sundo pag outings.
nakakalungkot talaga dahil iniwan mo na kami.
nalulungkot ako dahil alam ko na gaya ko, marami ka ding pangarap.
marami pa ang mga ''sana'' na pwedeng nangyari sa yo.

pero alam kong payapa ka na ngayon.
kasama mo na ang lumikha sa atin.
kaya siguro see you at the crossroads na lang joshie.

****

bigla akong napaisip.
bigla kong narealize na di talaga natin hawak ang bukas.
kaya let's just make the most out of every mornings that we have.
apologize to those who we have or have had hurt.
say thank you sa mga taong nagmamahal sa atin.
and say ilove you o i love you too sa mga taong importante sa atin.

naisip ko din na mahirap din pala sa magulang na mawalan ng anak.
dahil kadalasan dapat tayong mga anak ang maghahatid sa kanila sa kanilang huling hantungan and not otherwise.

****

si joshua, 20 years old.
nakuryente sya sa elevator, hinawakan niya yung wire na nakasabit at nakuryente 300 volts.

Tuesday, November 30, 2010

PAPA'S BOY




natatandaan mo pa ba noong elementary ako, everytime na nakakakuha ako ng star mula sa teacher ko eh pinapakita ko agad sayo? kapalit nito ay ang malulutong at bagong-bago na 20 peso bills na tinatago ko naman agad sa aking wallet.

pag mabait ako, pag parati kitang sinasalubong pagdating mo galing work, pag pinaghanda kita ng lunch sa mesa, tuwang-tuwa ka na nun at bibigyan mo na naman ako ulit ng pera.

pag nananalo ka sa sabong, instant extra na rin sa allowance, minsan doble yung natatanggap ko.

minsan nahihiya na rin ako dahil sobra sobra na rin yung natatanggap ko pero okay lang, masaya naman pag daming pera. okay fine, mukahang pera ako.hehe

paglasing ka noon, alam mo bang ginagawa ko? kinukuha ko yung cellphone mo at nagpapasaload ako. haha. di mo man lang nahahahalata.

marami akong nagawang di magaganda pag sapit ng college days ko. alam mo bang pag 9pm at tulog ka na, umaalis ako ng bahay at tatambay with friends? uuwi na ko pag 3am na?

naging suwail, naglayas, naubos ang alahas sa kaka sanla para me pang extra sa gimmik, at lahat na ata ng pagrerebelde nagawa ko na. pero isang sorry lang, lalambot na yung puso mo.

kahit gano talaga kasama ugali ko, tinatanggap mo ko. homophobic ka pa nga, pero nung mag confess ako sayo, naiyak ka nalang at sinabing tanggap mo ako.

nitong birthday ko, salamat sa handa na pinadala mo, salamat din sa pera. anu ba?pera na naman...hmmm..:))


ngayong magtratrabaho na ko, mag-iipon ako, dahil matanda ka na, years soon, alam ko, ikaw naman yung bibigyan ko ng malulutong na bills. and sa pagdating ng araw, from peso to dollars na.

at di ko man madalas sabihin sayo,sasabihin ko nalang dito, akward kasi eh..

papa, i  love love love you. malaki na ako at bakla pa, pero papa's boy pa din ako, kahit bente na.:))

Friday, November 26, 2010

lipstick na pula

''bilhan mo ako ng skyflakes dyan sa kanto''

utos ng kanyang inay.

pagbalik niya....

wala na ang nanay niya, wala ang mga damit sa aparador, lipstick lang ang natira. ang matingkad na kulay na lipstick ng nanay niya.


****

matapos kong magsimba,

nakita ko sya, malaki na siya.

palakad lakad sa daan, tila walang patutunguhan.

madungis na sya, di gaya noong bata pa.

labing limang taon na, mula ng una at huli ko syang nakita

napakadungis ng damit niya, taong grasa ang tawag sa tulad niya.

pero sya lang ang tanging taong grasa na nakita kong nakapintura.

oo, nakapintura ang bibig niya.

matingkad ang kulay ng lipstick niya,, lipstick na tanging naiwan ng nanay niya bukod sa kanya.

sinalubong niya ang isang ale.

nanay...nanay..nanay...iyak niya..

aktong yayakap na sya, itinulak sya.

natumba sya. basang basa ang mga mata.

walang pinagbago, hanap parin nya ang nanay niya.

suot parin niya ang  lipstick nyang pula.


***

sa mga nagreet saken nung 22nd, thanks talaga..:))

i felt sooo loved...

Wednesday, November 17, 2010

maskara


negra ka!!! negra!!!

halos di sya mapagod sa kakakantyaw sa kaklase nyang maitim ang balat.

mapanghusga sya. mapanlait. wala syang pakealam anu man ang sabihin ng iba, anu man ang maramdaman ng kinakantyaw niya.

masakit syang magsalita, malakas ang tinig, nakakabingi. mura ng mura.

umiiyak na ang iniinsulto nya, pero sige pa rin sya.

dadaragdagan pa nya,

mukha kang chimay, panget! kirara ka!!!


 pag-uwi nya sa mansyon nila, sasalubungin sya ng mga katulong nila.


si mama?

si papa?

itatanong niya.

''wala pa sila'', ''out of town'',kadalasang sagot nila.


tatalikod sya, magdadabog, itatapon ang bag kahit saan.

papasok sa kanyang kwarto.

haharap sa salamin, huhubarin sapatos..

kakatok ang katulong, papapasukin niya, itatapon ang sapatos sa mukha ng atchay nila.

lumabas kang panget ka!!!! sisigaw sya.

lalabas na ang muchacha.


harap ulit sa salamin, huhubarin ang medyas, ang palda, ang uniform niya,,,

tutulo ang luha niya habang kinukuha ang MAKAPAL NIYANG MAKE-UP, gamit ang zhue eumura.

AYUN NA,BUBUHOS NA ANG LUHA NIYA. HAHAGULGOL. MAGDADABOG.


LUMABAS ANG TUNAY NA KULAY NIYA, MAS MAITIM PA SYA SA NEGRA, AT KASING ITIM NG UGALI NIYA.

kakatok ang mga muchacha, worried sila.

pagbukas ng pintuan, nakita nila.

SINUOT ULI NIYA, ANG KANYANG MAKAPAL NA MASKARA.

Sunday, November 14, 2010

maghihintay sa kabilang buhay

highschool ako nang iwan mo ako.
tanong ko lang, ano ba ang ginawa ko?
minahal kita, mahal na mahal, buklatin mu man ang puso ko.
pero wala eh, bigla ka na lang nag laho.

hinanap kita, sa manila, sa cebu, sa davao.
luzon man, visayas at mindanao.
pero di ko makita, kahit anino mo, wala.
ganito ba talaga ikaw magmahal?

oo, mahirap ako. mahirap ang pamilya ko.
pero ginawa ko ang mga homeworks ko ng pulido,
kaya eto, grumaduate na ako,
summa cumlaude, tulad ng aking ipinangako.

akala ko, babalik ka na.
nakaready na ang bahay natin,ay... mansyon pala.
gagawin kitang reyna.
nakaready na rin ang kalesa.

sampung taon na mula ng mawala ka.
marami na akong nakilala,
pero walang magtagal.
mahal na mahal kasi talaga kita.

alam ko, mababasa mo ako sa dyaryo,
alam ko, babalik ka tulad ng iyong pangako,
pero pagod na pago na ako,
matutulog na muna ako.

sa pagtulog ko, aasahan kong ika'y makita ko.
tingnan mo ako, mula ulo hanggang paa, mayaman na ako,
para sayo lahat ng makikita mo sa bahay ko,
alahas, pera, diamante at ginto, pati narin ang negosyo.

pero paano ba yan?
alam ko naman na babalik ka na.
pero hihintayin na naman kita.
ihatid mo ako ha? sa huling hantungan, ika nga.
hihintayin kita, sa kabilang buhay na...
wag mong kalimutan, mahal na mahal kita....:(((


****

dumating nga sya,
hinatid nya sya, sa huling hantungan niya,
subalit maghihintay parin sya sa kanya,
sa kabilang buhay na, dahil patay na sya....

Saturday, November 13, 2010

PAGLAYA

''Sigurado ka bang ayaw mong sumama?''

Dito na lang ako sa bahay, medjo pagod sa skwela.


****


masayahin sya noon. palangiti. ma-kwento. marami syang kaibigan, at walang araw na di ito nakakapaglaro.

sumapit ang ika-otsong kaarawan niya. sobrang saya niya. maraming lobo. malaki ang cake. maraming mga pagkain. di rin mabilang ang mga bisita.

happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to youuuu....

''make a wish na''

''blow the candles''


pero ilang minuto lang matapos hipan niya ang mga kandila na nakapatong sa cake niya, narinig nila syang umiyak.

natapos ang party. dalawang araw na mula ng birthday niya pero hindi na sya muli pang nakita ng mga kapitbahay nila. hindi na sya muling nakita ng mga kalaro niya.



******

isang araw matapos ang party ko, umalis na kami nina daddy at mommy.lumuwas kami ng manila.
nakakalungkot lang, di ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. sa mga kapitbahay naming walang ginawa kundi pisilin ang pisngi ko. namimiss ko sila. miss na miss ko na sila.


nakapag graduate na ako ng elementarya. high school na ako pero ni isa sa mga kaklase ko ay  wala akong naging kaibigan. hindi ko alam. hindi ko alam kung bakit.

baka nga nasa akin ang problema, baka ako talaga ang di lumalapit sa kanila.

******

mula ng mapadpad sila ng manila, mula ng matapos ang birthday party niya, mula ng mag otso sya, parang hindi niya na makilala ang sarili niya.


ayaw niyang lumabas ng bahay. palagi syang walang consentrasyon. parati din syang wala sa katinuan.

sa gabi, di sya makatulog. nagigising sya minsan, basang-basa ang mga mata. umiyak pala sya.
palagi niyang naaalala ang birthday niya.

pag walang pasok, sa bahay lang sya. kausap ang kalapati niya. bigay ng mama at papa niya, noong mag otso sya.

graduation niya yung araw na yun, birthday din niya. kinse na sya.
merong tumawang kay papa niya, sabi, patay na daw ang tito niya.

lumuwas sila, bumalik sa probinsya.

*******

pagtapak ko sa lupa sa baba ng sasakyan, naramdaman ko ang bigat ng aking katawan.

bumabalik sa aking katauhan, ika-otso kong kaarawan.

humakbang ako papalapit sa kabaong ng tiyo ko. hawak ko sa kanang kamay, kalapati ko.

ilang hakbang pa ang aming ginawa, nandun ang kabaong niya.

tumayo ako sa tabi niya. tinitigan ko sya. siniguradong patay na nga.

tumulo ang luha ko. humikbi ng todo-todo, ngayon tahimik na sya.

di na ako guguluhin ng anino niya, sa mga panaginip ko, sa pagtitig ko sa taas- baba- kanan- kaliwa.

''labas muna ako pa''

sige, ang sagot ng aking ama.

may ngiti sya sa mukha, pansin ng kanyang ama.

****

humakbang sya sa labas ng bahay ng tiyo niya.

''ngayon, di na kita ikukulong, dahil mag mula ngayon, malaya ka na''

sabay pakawala sa kalapati, lumipad ito, kasabay ng pagtawa at pagsaya ng mukha ng kanyang amo.


ngayong tahimik na sya, tahimik na rin ako. mawawala na ang pighating dinulot niya,,, noong bertday ko.. 




********************




fictional toh, di ako na rape..:))

Friday, November 12, 2010

used to be

Just came across this song and it made me think, when will we have the will to change?
when are we going to realize that just because everybody's doin it, doesn't have to mean that we also have to do it and that it's good?

wala lang, i just hope it's no longer too late if we start to realize things,when damages could no longer be altered or get corrected.

i hope we could go back and practice or do things they way they used to be done...


used to be- stevie wonder


Superman was killed in Dallas
There's no love left in the palace
Someone took the Beatles' lead guitar
Have another Chivas Regal
You're 12 years old and sex is legal
Your parents don't know where or who you are

Used to be the hero of the ballgame
Took the time to shake the loser's hand
Used to be that failure only meant you didn't try
In a world where people gave a damn

Great big wars in little places
Look at all those frightened faces
But don't come here, we just don't have the room
Love thy neighbours wife and daughter
Cleanse your life with Holy water
We don't need to bathe, we've got perfume

Used to be a knight in shining armour
Didn't have to own a shiny car
Dignity and courage were the measure of a man
Not the drugs he needs to hide the scar

Can your teacher read, does your preacher pray
Does your president have soul
Have you heard a real good ethnic joke today
Mama took to speed and daddy ran away
But you mustn't lose control
Let's cut the class, I got some grass
The kids are wild we just can't tame 'em
Do we have the right to blame them

We fed them all our indecisions
We wrecked their minds with television
But what the hell, they're too young to feel pain
But I believe that love can save tomorrow
Believe the truth can make us free
Someone tried to say it, then we nailed Him to a cross
I guess it's still the way it used to be