Tuesday, September 28, 2010

yung totoo...



nagkakilala kayo.

****

hiningi niya number mo at minsan naman ay ikaw ang humingi ng number niya. kadalasan, sa bar (pagkatapos niyong isayaw ang isa't-isa,yung tipong paalis ka na o paalis na sya), minsan sa cofee shop, (isusulat ng isa sa inyo yung number sa tissue), minsan naman, sa bathhouse, minsan din, sa internet magsasabihan kayo ng, ''ang cute mo, pahingi ng number?''.

****

pagnakuha na yung number ng isa't-isa, magtitext, puro pa smileys, puro hehehe, puro mwah o di kaya'y hugzz, kayo naman, sobrang kilig, super smile, super tingin sa cellphone baka nagreply na.

****

mag-yayaya ang isa sa inyo, magde-date kayo.

****

sa coffeeshop, sa bar, sa sinehan,

minsan kuntodo outfit ka, yun pala sa motel ka lang niya dadalhin.

****

magiging kayo after ng first date, minsan second date na, paminsan-minsan sa panahong ito, may third date pang palugit yung mga pa demure. pero kadalasan, first date talaga.

****

pagkayo na, ''mahal'', ''baby'', minsan ''babe'' sa mga sosyal.haha. yun yung kadalasang tawagan niyo.

****

magiging over protective, magiging seloso, mag-aaway, at ma-uuwi lahat sa sex. finally, magkakapatawaran na.

****

meron ding stage na nagkasawaan, mag-oopen relationship, minsan rason nalang yun. dahil pagsinabi niyang he wants an open relationship para di magkasawaan, to save the relationship etc etc, ang sinisigaw lang naman ng puso niya eh yung katotohanang, ''GUSTO NIYANG MAKIPAGSEX SA IBA''.

****

pag hindi nag work out, bye bye ang drama. yung lugi sa relationship, yun yung puro bitterness. yun yung super sabi na ''i wanna move-on'' pero yung totoo, iyak siya ng iyak sa kwarto niya bago matulog, minsan, inom ng inom, minsan sobrang lasing. at minsan suicidal siya.

****

meron din nagbe-break dahil may iba yung lover nila. kabit-kabitan yung drama nito.

susugurin yung kabit, mag-aaway sila, magtatalbugan, magsasapawan, MAGKARIBAL.
pero pipiliin ni lover yung kabit.
pagpinili niya naman yung una niyang lover, di din sila magtatagal dahil for sure, mauulit-ulit na naman yung scenario over and over again.

****

meron din namang magkakalayo sila kaya ayaw nang magcommit.

****

pag nag break na ang dalawang magsyota,

yung isa eh,

1. mag-iiyak, di matutulog kaka-isip, palaging absent sa school or work, gusto lang na nasa bahay siya, magkukulong sa kwarto, kakain ng sobrang dami- di kakain at all, tataba or mangangayayat, papangit, stressed, iritable.

2. ita-try makipagbalikan sa ex, gagawin lahat, tatawag or iti-txt ang ex kahit di sumasagot, in other word, ''martyr- martyran''

3. minsan masochista din ang drama, uupo sa kama, pwede ding hihiga, i-oon ang ipod, ipplay yung theme song nila nung ex niya, iiyak magdamag. yung tipong nasasaktan ka na nga, makikinig ka pa ng mga songs intended for the broken hearted people.

4. maghihiganti, pupunta sa mga occasion kung saan nandun ang ex, maghahanap ng panakip butas, ipapakita kay ex nanakapag move on na siya, pag-uwi sa bahay, ''iyak'' ang ending.

5. matatanggap na niya, makakakilala siya ng iba

6. magmamahal  na ng iba.
*******

pagnawala na naman yung lover mo sayo for the nth time, pag naulit na naman yung mga pangyayaring iniyakan mo,

wag ka nang magtaka, dahil walang duda, na sayo ang problema.


''siguraduhing mahal niyo ang isa't-isa, dahil kahit bagyo pa o tadhana ang hahadlang, pagmamahal niyo lamang ang tangi niyong magiging bala''

i should know, dahil itong lahat ay napagdaanan ko na.(nagmamarunong mode)

hindi madali, katunayan masakit, but i know better now. i'm wiser. i'm toffer tougher. and i'm in love with....

vonior




Sunday, September 26, 2010

APOCALYPSE???






''a group of people living at san joaquin iloilo reported a sighting of demon looking creatures with big red eyes. together with them were what they reffered to as ''aswangs'', because they saw them change skin,peeling them off.''

this was the text msg. i got from vonior just last night.

he also added that when he told this to his dad, his dad confirmed that this may be true. his dad was a seaman and he too, saw the like when he was in brazil.

vonior on the other hand concluded that these things happen because autumn equinox is coming. he also added that these things mostly happen when the second coming of christ is near and the gates of hell are about to close. it all boils down to one thing, ''end of the world is going nowhere but near''.

******

i wasnt that skeptical of these thoughts when i heard them.

the mudslides, the storms, the flood, destruction in every form, they happen all around the world.
the rain that carried blocks of ice in manila.

man being abusive of technology should be blamed.

yup, technology does make our way of living faster and easier but it should not be abused to some extent because mother nature has it's ways to bounce it all back to us.

******

after watching ''LEGION'' and ''KNOWING'' , i can no longer do anything but pray.

i'm afraid of death, i'm young and still haven't achieved anything yet. and i really want to face god and be proud to tell him that he did not go wrong when he gave me life.


''end of the world?'' i hope it's not yet too late. i hope not. not yet.

Sunday, September 19, 2010

how to answer pick-up lines

sa coffee shop, 9:00pm, with my aunt and her friend.

friend: palamig tayo. check in tayo.

tita: saan?

friend: sa hotel, dun sa may beach.

tita: may aircon ba?

friend: oo naman...

tita: walang lamok?

friend: wala shempre....

tita: may swimming pool?

friend: may time ka pang mag swimming? *sigh*

(gusto ko ng tumambling!!hahahaha)


******

 siya yung mom nung cousin kong hot. remember?




umuwi sila ng buong family niya dito from the states two months ago and stayed here for 2 weeks, then pumunta na nang boracay para makapag relax. after a night nila sa bora, nagpasya syang bumalik dito sa roxas kasi bitin daw. mag-isa lang siyang bumalik.

ayun pagbalik niya, walang gabing di sya lumalabas. haha.

siya yung pinaka-favorite kong tita. siya din yung nagturo sakin ng tamang pag sisigarilyo. yung pwesto sa kamay, at tamang paghit hanggang sa sosyal na pagbuga ng usok.


******

friend: ORDER NG ORDER LANG..INOM PA... ANO PA GUSTO MO?

pagkuha ng bill...(inabot niya kay tita ko)

tita: ako pala magbabayad...(sabay abot ng pera sa waiter)

friend: ang kapal naman ng wallet mo, yakang-yaka na yan...hahaha

tita: ANG KAPAL NGA...NG MUKHA MO...


******

ang ending?

di rin sya sumama sa friend niyang lalake.

Sunday, September 12, 2010

our 17th birthday..

party party partying hard and kissing harder.haha
what do you do when you love somebody so much?
you do almost anything just for one touch,
try to make any excuse just to get away,
that's the way that i feel about you baby...

when i leave, do you know what i go through?

it makes me cry everytime coz i miss you,

and hope you feel thesame way too, coz all i do is think of you..


when i dream,
i think of you

when i breathe,
i think of you

all day i think of you,
give all my love to you

my baby boo
i swear it's true,
all i do is think of you

******
sa mga oras na nalulungkot ka,
sa mga oras na kelangan mo ng isang taong makikinig sayo,
sa mga panahon na ikaw ay nag-iisa,
sa mga panahon na kailangan mong tumawa,

wala ako...

sa birthdays mo,
sa ilang monthsaries natin,
noong anniversary natin,

wala din ako...

nung nag graduate ka,
nung nag top ka sa review,
sa mga mahahalagang araw mo,

wala din ako...

******
gusto kong malaman mong gustong-gusto kong magkasama na tayo,
gustong gusto kong pag gumising ako araw-araw ay kayakap kita,
hahalikan kita, yayakapin, aamuy-amoyin,,,

alam kong magkakasama din tayo, at alam ko ring malapit na yun...
ako na siguro yung pinakamasayang tao pagnangyari yun.


gusto ko ring malaman mo na sa mga oras, panahon, malulungkot man o masasayang pagkakataon sa iyong buhay...

at ngayong 17th monthsary natin,

WALA NA NAMAN AKO DYAN PARA SAYO,PERO ANDITO AKO SA BAHAY,
''JUST THINKING OF YOU''...



****




sarap pakinggan ng song na to....:))
para sa mga in love at hindi kasama ang lovers nila...

Friday, September 3, 2010

napaaga ang pag-amin



lumaki ako na wala ang nanay ko sa tabi ko, she worked as a nurse abroad. every year 1 month ko lang syang nakakasama for her vacation break. kadalasan din na wala si papa dahil busy sya sa pag-eenjoy with his barkada kaya yung yaya ko lang yung nakakasama ko.

lumaki akong sweet and thoughtful sa mga taong nasa paligid ko. malamya kumilos, vain at very talkative sa klase.

nung nasa 4th yr college na ako, nagretire na si mama.
since then, hindi kami laging magkasundo, lagi kaming nag-aaway. di ko sya masisisi, at di ko rin pwedeng sisihin ang sarili ko.
alam kong lumaki ako na wala sya dahil din sa amin. para di ako maghirap pag laki ko. para makapag-aral ako sa mga bonggang schools, magkaroon ako ng mga gadgets, at lahat din ng luho ko.

wala kami nung sinasabing strong foundation, nung bond.

masasabi kong hindi kaila sa kanila na hindi ako straight.

ngunit tulad ng iba, hindi din namin pinag-uusapan yun.

***

nalaman ko after graduation na hindi nila ako tunay na anak.
opo, adopted ako. at dun ko din nalaman na ang tunay kong papa eh yung kapatid nung papa ko na nagpalaki saken.

okay na sana yun kaso dala ng menopausal ni mama, araw araw na talaga kami kung mag bangayan.
***

1st yr college ako nung nagsimula akong magrebelde.

naadik ako sa sigarilyo, every after dismissal eh diretso ako sa tambayan at iinom. pag-uwi ko sa bahay, tulog agad. at totoo yung sinasabi sa kanta na ''pag gising sa umaga sermon ang almusal'', yun yung kadalasang mangyari saken.

dumating sa puntong hindi na ako pumapasok sa mga classes ko.

kaya super sumbong yung mga prof at mga c.i. ko ke mama. si mama kasi yung clinical coordinator sa pinapasukan kong college kaya hindi maiiwasang hindi niya malaman yung mga katarantaduhan ko.

pinatawag ako ni mama sa secretary niya.
***

pagpasok sa office,

mama: gago ka!!! bat hindi ka pumapasok sabi nung prof mo?!
     
ako: (silent mode) para na akong iiyak pero pinipigilan ko, galit ako kay mama nun. alam niya yun. wala akong rason kung bakit ako nagrerebelde at napapabarkada. wala talaga.

mama: oh? ba't hindi ka nagsasalita?

ako:  di mo maiintindihan! (kinabog ko mga telenovela nito) sabay tulo ng luha sa right eye.

mama: pano ko maiintindihan kung di ka magsasabi?

ako: BAKLA AKO!!!dun na ako humikbi ng husto..nakita ko kasi syang umiiyak. (wala na akong maisip na idahilan kaya sinabi ko nalang na problema ko yung pagiging bakla ko)

mama: MATAGAL KO NG ALAM, BATA KA PA LANG ALAM KO NA!

ako: super hikbi talaga ako at super iyak din si mama. dun ko narealize na mahal talaga ako ng nanay ko kahit di ko sya kadugo.

mama: OH ANO?AYAW MO NG MAG NURSE? ITATAYO NA LANG KITA NG PARLOR?

ako: iyak habang tumatawa...


***
NALAMAN KO NA NA OKAY NA NUNG..

sa sasakyan pauwi,

PAPA: oh?wala nang problema si biboy?

MAMA: wala na...

AKO: (NAKALUSOT NA AKO SA PAG AABSENT, NAKALUSOT PA AKO SA BAKLA ISSUE!!!) YES!!! SMILE AKO NG SMILE....

PAPA: good boy na sya?

MAMA: GOOD GIRL...:))


*****

ma, hindi man tayo ayos ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa mga pagkakataong pinakita mo sakin na hindi dugo ang batayan ng pagiging mag-ina...

''you may not be my mother by blood, but you used to be my mother by blood''....

i'm sorry and i love you, sana magkaayos na tayo....


*******


sa pag amin ko, naging mas malaya ako

hindi lang sa mga magulang ko, sa mga tao sa paligid ko

pati narin sa sarili ko


****

at dahil sa pag-amin ko

kaya ko nang iharap sa madlang people ang baby ko


 kitty-cat daw sya..