pamangkin ko. si baby K.
''may mga bagay mula sa ating kabataan na hinding-hindi natin malilimutan''
***
kiri-kiri kiri-kiri na.
(kembot-kembot na sa ilonggo)
ito ang kadalasang sinasabi saken ng yaya ko nung bata pa ako habang magpapatugtug sha ng music na pangsayaw.
papasok sha sa kwarto ko pag wala c papa at patatayuin ako sa kama.ipapalagay nya ang magkabila kong kamay sa makabila kong bewang at papa-kembotin ako with rythm na parang bakla kung magsayaw.
pagnaririnig nya na ang mga yapak ng papa ko paakyat ng hagdan, uutusan nya akong humiga na o kaya naman mag aktong lalake na.
***
manang rita ang tawag ko sa kanya.
siya yung yaya ko mula nung pinanganak ako, hanggang 16yrs old na ako.
siya yung palaging naghahanda ng pagkain ko.
sumasama sa driver sa paghatid sakin sa school.
at inaantay nya ako hanggang matapos ang klase hanggang makagraduate na ako ng elementary.
siya yung taong laging nandyan para saken.
tumayo syang ina dahil nasa abroad yung mama ko.
tumayo din syang ama pag nasa trabaho o inuman ang papa ko.
kahit nung grade six na ako, siya parin yung nagpapaligo saken.
pinaghahandaan niya ko ng mainit na tubig pampaligo pagkagising ko.
nagluluto ng noodles pag almusal.
taga-timpla ng gatas ko.
taga-ayos ng kama ko.
taga-prepare ng gamit ko sa school.
taga-pili ng damit ko.
***
siya din ang tanging kakampi ko.
siya lang yung isang tao na nakakaintindi sakin.
siya yung taong saksi sa lahat ng aking tagumpay at pagkabigo.
***
aampunin niya daw ako pagnanalo na sya sa lotto. itatayu ako ng mansyon. ibibili ako ng lahat ng gusto ko. dahil hindi man sa dugo at papel, sa puso siya ang nanay ko.
***
siya din yung unang tao na nakaalam na natuluyan na akong maging badet.
isa din kasi sya sa mga rason kung bakit ako naging badet de leon.
supporting actress din naman yung role niya.
lagi nya akong pinagtatakpan sa papa ko.
lagi niya akong pinapatakas para lang makapag nyt-out ako
tinatago niya yung report card ko pag may bagsak ako.
***
masakit ang huling alaala ko sa kanya.
matapos niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay sa pagbantay saken, siya'y tuluyang umalis na. pinaalis siya ni mama. at ayoko nang alalahanin pa yun.
coz everytime i do, naiiyak ako.
***kung pwede lang sanang ibalik ang oras, yayakapin ko sya ng mahigpit na mahigpit at sasabihing wag ng umalis. dahil sa puso ko, hindi lang sya yaya ko, isa syang bahagi ng pagkatao ko.***
No comments:
Post a Comment