Tuesday, September 28, 2010

yung totoo...



nagkakilala kayo.

****

hiningi niya number mo at minsan naman ay ikaw ang humingi ng number niya. kadalasan, sa bar (pagkatapos niyong isayaw ang isa't-isa,yung tipong paalis ka na o paalis na sya), minsan sa cofee shop, (isusulat ng isa sa inyo yung number sa tissue), minsan naman, sa bathhouse, minsan din, sa internet magsasabihan kayo ng, ''ang cute mo, pahingi ng number?''.

****

pagnakuha na yung number ng isa't-isa, magtitext, puro pa smileys, puro hehehe, puro mwah o di kaya'y hugzz, kayo naman, sobrang kilig, super smile, super tingin sa cellphone baka nagreply na.

****

mag-yayaya ang isa sa inyo, magde-date kayo.

****

sa coffeeshop, sa bar, sa sinehan,

minsan kuntodo outfit ka, yun pala sa motel ka lang niya dadalhin.

****

magiging kayo after ng first date, minsan second date na, paminsan-minsan sa panahong ito, may third date pang palugit yung mga pa demure. pero kadalasan, first date talaga.

****

pagkayo na, ''mahal'', ''baby'', minsan ''babe'' sa mga sosyal.haha. yun yung kadalasang tawagan niyo.

****

magiging over protective, magiging seloso, mag-aaway, at ma-uuwi lahat sa sex. finally, magkakapatawaran na.

****

meron ding stage na nagkasawaan, mag-oopen relationship, minsan rason nalang yun. dahil pagsinabi niyang he wants an open relationship para di magkasawaan, to save the relationship etc etc, ang sinisigaw lang naman ng puso niya eh yung katotohanang, ''GUSTO NIYANG MAKIPAGSEX SA IBA''.

****

pag hindi nag work out, bye bye ang drama. yung lugi sa relationship, yun yung puro bitterness. yun yung super sabi na ''i wanna move-on'' pero yung totoo, iyak siya ng iyak sa kwarto niya bago matulog, minsan, inom ng inom, minsan sobrang lasing. at minsan suicidal siya.

****

meron din nagbe-break dahil may iba yung lover nila. kabit-kabitan yung drama nito.

susugurin yung kabit, mag-aaway sila, magtatalbugan, magsasapawan, MAGKARIBAL.
pero pipiliin ni lover yung kabit.
pagpinili niya naman yung una niyang lover, di din sila magtatagal dahil for sure, mauulit-ulit na naman yung scenario over and over again.

****

meron din namang magkakalayo sila kaya ayaw nang magcommit.

****

pag nag break na ang dalawang magsyota,

yung isa eh,

1. mag-iiyak, di matutulog kaka-isip, palaging absent sa school or work, gusto lang na nasa bahay siya, magkukulong sa kwarto, kakain ng sobrang dami- di kakain at all, tataba or mangangayayat, papangit, stressed, iritable.

2. ita-try makipagbalikan sa ex, gagawin lahat, tatawag or iti-txt ang ex kahit di sumasagot, in other word, ''martyr- martyran''

3. minsan masochista din ang drama, uupo sa kama, pwede ding hihiga, i-oon ang ipod, ipplay yung theme song nila nung ex niya, iiyak magdamag. yung tipong nasasaktan ka na nga, makikinig ka pa ng mga songs intended for the broken hearted people.

4. maghihiganti, pupunta sa mga occasion kung saan nandun ang ex, maghahanap ng panakip butas, ipapakita kay ex nanakapag move on na siya, pag-uwi sa bahay, ''iyak'' ang ending.

5. matatanggap na niya, makakakilala siya ng iba

6. magmamahal  na ng iba.
*******

pagnawala na naman yung lover mo sayo for the nth time, pag naulit na naman yung mga pangyayaring iniyakan mo,

wag ka nang magtaka, dahil walang duda, na sayo ang problema.


''siguraduhing mahal niyo ang isa't-isa, dahil kahit bagyo pa o tadhana ang hahadlang, pagmamahal niyo lamang ang tangi niyong magiging bala''

i should know, dahil itong lahat ay napagdaanan ko na.(nagmamarunong mode)

hindi madali, katunayan masakit, but i know better now. i'm wiser. i'm toffer tougher. and i'm in love with....

vonior




2 comments:

  1. This is really sweet, Toffer. Nakakapanindig balahibo while binabasa ko ito kasi mejo nakaka-relate din ako sa ibang mga eksena na iniisa-isa mo. Hehe. I hope you and your loved one will see it through forever!

    ReplyDelete
  2. Kami nung dine-date ko ngayon eh 3 weeks nang dating. Lol. Aya ako nang aya na maging kami dati, sobrang rebound mode. Lol. Buti na lang, di siya pumayag. Eto, nahimasmasan na ako, mas maganda nga kung date muna for a while.

    ReplyDelete