Thursday, November 4, 2010

pag-aalaga




Alam mo bang na mimiss ko na ang pagtulog katabi mo?

Ang pag gising sa umaga na amoy na amoy ko ang niluluto mo.

Isang beses ko lang naaalala na hinalikan kita.

Ni hindi ako makapagpasalamat sa lahat na nagagwa mo para sa akin.

Labing limang taon din tayong nagkasama, at ako’y nabusog sa pag-
aalaga.

‘’mahal kita’’, ito ang mga katagang di ko masabi sabi.

Baka kasi i’ll sound corny. 




Alam mo bang ayoko kapag isda ang ulam na niluluto mo para sakin?

Pero kinakain ko pa rin, lalo na pag linalagyan mo ng toyo tsaka sa akin ay isinusubo sakin.

Pag uwian na, alam kong nagbabantay ka sa labas ng school ko.

Ako’y sinusundu mo, at bibili tayo ng barbeque, snacks natin, sabi mo.

Sa mga school affairs, wala sina mama, ikaw palagi ang aking kasama.

Pag wala naman si papa, sinasama mo parin ako kung gabi, para lang maglakwatsa.

Di man kita kadugo, sa puso ko, ika’y aking pamilya.



Di ko man masabi sayo ang napapaloob sa tulang ito,

Di ko man masabi sayo , mahalaga ka sa puso ko,

Alam ko nararamdaman mo, dahil kahit malayo ka na,

Pag walang wala ka, ako ang tinatakbuhan mo,

Ako ang tumutulong sayo.

Kulang pa nga tong mga ginagawa ko,

Kumpara sa mga sakripisyo mo.




Sabi nila, yaya daw kita, sabi ko naman, higit ka pa kina mama at papa.


Dahil ikaw ang nagpalaki saken, manang rita...:((

5 comments: