Wednesday, November 10, 2010

pagsisisi :((

Marami akong nagawa noon na pinagsisisihan ko. Sana di ko na lang ginawa. Sana din a lang nagyari. Sana nag-isip ako. Pero anung sakit man o hirap ang naidulot sa akin ng mga ito, alam ko, sa puso ko, natuto ako.

Akala ko, sosyal ang magsigarilyo. Puff-sabay-buga ang una kong paraan, but as lil time went by, pinagsikapan ko rin na matutong mag puff-inhale-hit-buga. Ayun, din na ako pinagtatawanan sa mga bars or coffee shop twing magsisigarilyo ako, dahil expert na ako pag tungtong ko ng 3rd yr. College. Pilit ko mang itago sa parents ko, nalaman parin nila. Super sermon yung naabot ko, super bawal na magsmoke. Pero pano ko naman mapipigil eh lahat sa barkada ko smoker din. Sana pala tinigil ko habang maaga pa, sana pala sinunod ko sila. Heto ako ngayon, chain smoker ang drama. 1 and a half case yung nauubos ko sa isang araw, kahit anung pilit kong itigil, di talaga makaya.

Akala ko, cool yung every dismissal eh punta agad sa tambayan, magpakalasing kasama yung friends. Oo, marami akong nagging kaibigan non, parang halos lahat friends ko na. Pero nasan na sila ngayon? Konti na lang natira. Di na kasi ako nagpapakalasing sa tamabayan nila. Naisip ko, 6x a week yun kung mangyari, kung inipon ko lang sana yung perang winaldas ko sa kakainom, naku, nakabili n asana ako ng 2nd hand na sasakyan.


Akala ko, pag every 9pm every night, 7 times a week, kasama ko yung barkada ko, tambay kahit saan, chill lang, inom, weeds pa minsan, enjoy na enjoy yun, yun ang akala ko. Anong napala ko? Sermon ulit, nahuli kasi ako ni mama isang gabi habang umaakyat ako sa terrace ng kwarto ko, gamit ko pa yung ladder na pwedeng i-fold. Ayun, ilang buwan na grounded. Pwede nang pangtuition ng dalawang sem yung naubos kong pera dahil isang buwan din kaya nangyari yun. Naisip ko, pano kaya kung na-massacre yung mga tao sa bahay dahil mabilis makakapasok yung magnanakaw dahil iniiwan kong bukas yung terrace ko pag tumatakas ako gabi-gabi? Buti nalang naagapan.


Akala ko, nakakawala ng stress pag naglayas ako, stress kasi noon kung ituring ko yung parents ko. Anong napala ko? Eh di ayun, walang makain, walang matirahan, walang pera. Bumalik parin ako. Marami din akong nabagsak na mga subjects dahil dun. Eh di take ulit. Haha.


Sa sobra kong pagmamaliit ng mga tao noon, sila pa yung successful ngayon, eh ako? Nasa isang sulok lang ngayon, humihingi parin nga pera sa mga magulang ko.



Akala ko, sukatan ng pagka-pogi ang dami ng nagging shota. Di ko na nga sila mabilang ngayon. Di ko na din maalala yung pangalan ng iba sa kanila. Ayun, mahal ko na pala yung isa, pero too late na, nasaktan na sha. Meron ding isa, walang kinahinatnan yung relasyon. Eh nung nagging single ako one time, nahirapan na ako. Kilala na kasi nila ako. Pokpok daw ako. Pero eto, nagbago naman ako, eh di nakilala ko yung minamahal ko.:))



Kaya habang bata pa kayo, matuto na kayo bago pa mahuli na at din a mareretoke ang mga pagkakamali nyo. Promise magsisi din kayo, tulad ko.

No comments:

Post a Comment