Sunday, August 22, 2010

PANGARAP

pagtanda ko gusto ko, doctor ako, teacher o nurse..sabi ko sa papa ko nung grade 2 ako..

***


sana sa pagtanda ko'y natupad ko na lahat ng mga pangarap ko. kahit hindi na nga lahat, kahit kalahati man lang.

***

pangarap kong lumuwas ng bansa,
pangarap kong kumita ng malaking pera,
pangarap kong matulungan ang aking pamilya.

***

gusto kong magtrabaho sa hospital at sa mga day-offs ko,magsaside-line ako sa isang nsg. care home,
pag nakapag ipon na ako, after 10-15 years, uuwi ako sa pinas,

****

bibili ako ng sasakyan, sports car, yung red,
bibili ako ng lupa, patatayuan ko ng bahay,
bibili ako ng condo,
bibili ako ng resthouse, yung may pool or sa beach area,
bibili ako ng bagong cellphone yung bagong labas, yung mahal
bibili ako ng isang ref ng chocolate,
bibili ako ng lahat ng gusto ko

***

magnenegosyo ako..
gusto ko piggery...para super taba din ng bulsa ko.
gusto ko din mag franchise ng mga foodchains or restaurant,

***

by that time, sana may anak na ako,
sana pogi din tulad ko.haha
sana masunurin, di gaya ko...

***


sana, gusto, pangarap ko,

ikaw parin ang kasama ko,
dahil sa lahat ng pangarap ko,
ikaw ang iniisip ko,
ikaw din ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nangangarap,
dahil kasama ka sa bawat pangarap ko.

pagtanda ko, gusto ko, ikaw ang kasama ko.
mahal ko,sana matupad ito..:)


sayo ko hinahandog ang kantang to...dahil pagtanda ko,pag matanda na ako, pagmatanda na tayo, ito yung theme song ko.



MAGPAKAILANMAN by rocksteddy

Darating din ang araw
Na tayo'y tatanda
Babagal ang mga paa
At manlalabo ang mata
Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo

Darating din ang panahon
Na malalagas ang buhok
Balat ay kukulubot
At makukuba ang likod
Hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo

Darating din ang bukas
Na tayo'y kukupas
Ang buhay ay magwawakas
Kasama ang gunita
Ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo

Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo
Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo




4 comments:

  1. hahahahahaha....parang di kita matutulungan sa pagtupad ng pangarap mong mangkanak na pging katulad mo

    ReplyDelete
  2. grabe toffer! you're so in love. glad i found your blog. :)

    ReplyDelete
  3. @bionic...di mo na kelangang tumulong, kase pogi naman ako eh..haha..lav u lav u baby,,:)

    @nimmy.. guess i really am..hehe..thanks nim..:))

    ReplyDelete
  4. that's so sweet. :-) and thanks for dropping by my blog.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete